Philippine Standard Time
Barangay San Roque Rosario, Batangas, Philippines
Back to News & Announcements
Announcement February 11, 2026 · 02:37 AM Edited

ABISO PARA SA PUBLIKO! 🚨

Full Article

By Barangay Officials

Magandang araw po sa lahat. Nais pong ipabatid ng pamunuan ng ating Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Francis P. Kalalo sa kahilingan ng ating Pamahalaang Bayan, mula po sa ahensya ng Rosario Traffic Group at ng ating Department of Interior and Local Government na magkakaroon pong muli ng ROAD CLEARING sa bayan ng Rosario at kasama po ang ating Barangay BUKAS ika-𝟣𝟤 𝓃𝑔 𝐸𝓃𝑒𝓇𝑜, 𝟤𝟢𝟤𝟨.

Kung kaya, hinihiling po sa lahat na mga MOTORISTA at may sasakyang pumaparada ng illegal sa ating National Highway na sakop ng Barangay San Roque ay IWASAN PO NATIN PUMARADA NG MATAGALAN O MAG IWAN NG ATING MGA SASAKYAN SA TABI NG KALSADA.. MAGKAKAROON PO NG INSPEKSYON ANG NASABING GRUPO AT MAAARI PONG MATICKETAN ANG MGA LALABAG.. Ang lahat po ay hinihiling na maki isa at sumunod para sa layunin ng ating Pamahalaan na mas maging ligtas ang ating mga lansangan.. Maraming Salamat po at lagi po tayong mag-ingat sa araw-araw!