Philippine Standard Time
Barangay San Roque Rosario, Batangas, Philippines
Back to News & Announcements
News February 11, 2026 · 02:44 AM

Barangay Road Clearing Operation 2026 💚♻️

Full Article

By Barangay Officials

Location: Purok 1, Purok 3 & Purok 7

Date: January 11, 2026

Sa pangunguna ng ating Kapitan Francis "Bong" Kalalo nais po naming ipabatid ang pasasalamat sa lahat ng tumulong para sa paglilinis lalo na sa Purok 7, Barangay San Roque, Rosario, Batangas bilang bahagi na din ng paghahanda sa gaganaping Groundbreaking Ceremony bukas kung saan may itatayong District Hospital na sakop ng ating barangay.

Maraming Salamat po sa Punong Bayan Kuya Leovy Morpe sa pagbisita sa amin, sa Menro - Rosario para sa pagbibigay ng mga sako na pinaglagyan ng mga naipong basura at paghahakot ng mga ito. Sa Pamahalaang Barangay ng Namunga, kay Kapitan Arsenio Rosales kasama ang kanyang barangay functionaries at volunteers malaking tulong po ang inyong ginawa para sa amin. Sa 4Ps ng Barangay San Roque na laging nakasuporta pagdating sa kalinisan ng ating Barangay gayundin sa mga residente ng Purok 7. Sa Barangay Functionaries at Officials ng ating Barangay sa pagising ng maaga para makapglinis, sa pamimili at paghahanda ng pagkaen na ating pinagsaluhan nawa po ay nabusog ang lahat! 😊

Maraming salamat din sa ating Utility Workers (Ralph & Ligaya Paredes) sa paglilinis ng Purok 1 at Purok 3.

Daily Reminder! 🤩

Clean-up Today, Healthy Barangay Tomorrow! 🥰