Philippine Standard Time
Barangay San Roque Rosario, Batangas, Philippines
Back to News & Announcements
News February 11, 2026 ยท 03:13 AM Edited

Tuloy-tuloy po ang Program para sa Pagbibigay ng Cake sa lahat ng mga Senior Citizens at PWD na Bedridden

Full Article

By Barangay Officials

Tuloy-tuloy po ang Program para sa Pagbibigay ng Cake sa lahat ng mga Senior Citizens at PWD na Bedridden na taga Barangay San Roque tuwing sasapit ang kanilang kaarawan ๐ŸŽ‚๐Ÿฅณ

Sinimulan po ito noong 2025 sa pangunguna ng ating butihing Kapitan Francis "Bong" Kalalo kasama ang Sangguniang Barangay ng San Roque. Ang pondo po nito ay personal at kusang-loob na nagmumula kina Kap Bong Kalalo gayundin ang ating mga konsehal na sina Kon. Clemen Maglaqui, Kon. Rodel Comia, Kon. Badeth Manaog, Kon. Junjun Ramos, Kon Baben Beco, Kon. Jhonny Cena at Kon. Rolly Celemen bilang pagpapakita ng malasakit at kagustuhan na makapagbigay-saya sa ating mga ka-barangay.

Binisita ni Kap, si G. Ricardo Roxas ng Purok 1, Barangay San Roque, Rosario, Batangas na nagbirthday noong January 25, 2026 para magdala ng cake na sumisimbulo ng pag-alala natin sa kanya, at makapagbigy ng pag-asa sa kabila ng kalagayan o sakit na nararamdaman. Kasama niya ang mga Barangay Kagawad, Senior Pres Lito Mendoza at Barangay Functionaries.

Maligayang Kaarawan po! ๐ŸŽ‚๐Ÿฅณ๐ŸŽ‰