Binisita at nilinis ang isang bahagi ng Doña Crisanta Subd (Purok 5) kahapon January 30, 2026 nina Kon. Bernaditha Manaog, Admin Irene Ramos, Kon Jun Jun Ramos kasama ang mga OJT natin mula TMLCR. Ito ay matapos maidulog ng concerned citizen sa ating Kapitan Francis "Bong" Kalalo ang mga basura na nagkalat sa lugar kung saan may inilagay tayong paalala tungkol sa usaping basura. Aaksyunan ito at aalamin kung sino-sino ang mga lumabag sa ating Ordinansa sa Basura
Samantala, nagkaroon muli ng paglilinis kaninang umaga January 31, 2026 sa Purok 2 malapit sa Barangay Hall ang Sangguniang Barangay at mga kawani ng Barangay. Tinabasan ang mga malalagong damo at nilinis ang mga baradong kanal upang hindi pamugaran ng lamok o magdulot ng sakit sa mga residente ng Barangay San Roque!
Ang kalinisan ng pamayanan ay dapat nagmumula sa disiplinadong mamamayan 💚