Isinagawa ang Road Clearing at Clean-up Drive Operation ngayong araw April 2, 2026 (Huwebes Santo) bilang paghahanda sa daraanang ruta ng Penitensyahan 2026 bukas na sakop ng Barangay San Roque
Layunin ng gawaing ito na masigurong ligtas, maayos, at malinis ang mga kalsada para sa mga kalahok at manonood ng nasabing tradisyon. Sa tulong ng ating mga masisipag na kawani ng Barangay patuloy nating pinapakita ang bayanihan at malasakit sa ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! Sama-sama nating panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng ating barangay.